
humahanga ako sa taong magaling magsalita,
hanga rin ako sa taong magaling magsulat.
pero kanino talaga ako mas humahanga?
ewan ko pa, basta naiinspire ako sa taong nakakpaginspire ng ibang tao.o diba ang daming inspire. basta ganun.sa ngayon gusto kong magbasa ng libro ni bob ong para mainspire din ako hehe. puro sabaw nalang yata kasi laman ng utak ko ngayon, wala na rin akong social life. pati yung kaibigan kong tawid lang ang pagitan ng office namin ay di ko na nakikita. hay buhay..
sana may bago ng libro si bob ong!!!
naisip ko lang siguro napepressure si bob ong magsulat ng magandang libro kasi madami na siyang taga hanga hehe wala lang.

Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. Kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko.---bob ong


No comments:
Post a Comment
what other people can say.........