Wednesday, September 30, 2009

just G and more!!!!


One cloudy afternoon on my favorite shirt and comfortable flipflops. Money on my pocket? waaa.. 2,000. Buddy on my side? tel kish, my shopping partner. Ready..get set go...


The search was like an adventure. kamiseta shirt, in all colors, particularly rainbow colors, R-O-Y-G-B-I-V. 500php vintage bayo shirt...hmmm..not on our budget. manels doll shoes..check! Gurly stuff, kikay bling bling...."ia..help us"! hmmmmmm...


after the shopping...my favorite stop... new york fries with crazy crepes. sweet and cold versus hot and salty....anything goes! Dont ever forget Caramel Frapp at starbucks..hehehe


End of our just G escapade... just girlbonding... until next shopping of the year tel... lets do it..monthly!

Thursday, September 24, 2009

steady state theory


ganda ko dito syet!!! hahahaha


Blank...


Steady...


Ang problema ko ngaun ay wala akong problema. Wala akong maisip na dapat problemahin at talagang problema ito. Bigyan niyo nga ako ng dapat kong problemahin.


Hindi ko maintindihan bakit napaka-transient na ng kalungkutan sa buhay ko. Early this morning, nakita ko ang 'highschool' barkada ko pala ay ng-outing last time, di ko yun alam, kumpleto sila and all. Hmmmm, sad for 20 seconds tapos wala na ulit ako maramdaman. Nabubuhay nalang ako sa masasayang thoughts at nawiwirduhan ako dahil bakit di na ko nalulungkot...hahaha!


hahahahahahahaha!

Monday, September 21, 2009

unveiling ME!


It's about time to unlock my handcuff.


"prison-break"..


For sooo many years..wala na ako ginawa kung hindi magpaka-proper, trying to stand out, reaching everybody's expectations, at gawin ang tama. I've done enough to prove myself. Pagod na din ako na pilitin ang lahat ng tao to like me, to love me and to care for me. It's about time to unveil what's been hidden for so long.


good student..


Achiever..


Good girl..


Lahat yan pinag-hirapan ko.. though di ko naman nireregret ang mga nangyari.. I just want to enjoy now..


Party hard, Laugh like wala ng bukas, wear anything, shop til i drop, work like a professional, capture memories, lahat...


Eto talaga ako.. Rassel.. same me but happier and prettier..


*i love u boy... but i just love myself more... im sorry*


Rerebond ko ang buhok ko dahil gusto ko... uuwi ako ng umaga dahil dun ako masaya.. love me or hate me..problema niyo na yun..


Hindi na ko magpapaapekto sa chismis or sa mga sinasabi ng madlang people sa pagkatao ko... i know myself more than u do..


QUOTED QUOTE: "if u love me.. i'll stay in your heart.. if u hate me..i'll stay in ur mind"...sino ngaun ang mey problema??


So far..so good..contented..satisfied but still dreaming of things.. and making that happen.


this is my official LIGHTBULB MOMENT... I've never felt as cool as now.. chill.. peace and quiet..


I'm inlove with my work, with my friends, with my family and with everyone who loves me...


In few years..masmagiging mature ako..alam ko un..then eventually..when i look back.. makikita ko to..ang process ng aking awakening..


It's sooo goooood to be ME!


sana..NOON pa!


but then again...SWAK lang naman.. just on time..


selfish moments ko ngaun..pagbigyan niyo na.. chinecherish ko lang ang self-worth ko!


i-super-duper-mega-over-love-ME!peace!

ME by Paula Cole

my favorite song........




Saturday, September 19, 2009

i cried last night!! :'(


Matagal tagal na din nung huli ako umiyak ng bonggang bongga! Kadalasan naluluha lang ako pag-nagmmouth wash lang ako ng Orahex na bawal i-rinse. Pero kagabi, naiyak talaga ako at ang sarap ng feeling...


"I was never your partner, I'm just your wife!".. Oo, sa hindi ko maipaliwanag na dahilan naiyak ako ng iyak talaga with matching hikbi nung pinanuod ko for the nth time ang 'Madrasta'. Mabuti nalang talaga at di ko inasam maging 2nd wife(flashback)!O sorry sa mga natamaan hahahaha


Nananahimik kasi ako, nag-ayang magkape ang pinsan ko. Ayan! Mulat ako hanggang madaling araw andami dami ko tuloy naisip.....


Mga magiliw kong tagabasa..alam kong kayo kayo lang naman ang nagttyaga sa blog ko.. ahaha.. parang gusto ko bumili ng professional camera.. Yun nalang muna hihingin ko na regalo kila inay at itay, dahil alam ko na kung pag-iipunan ko sa sswelduhin ko e baka lumpo na ko, lens palang nabibili ko. Kung matuto ako ng Photography bilang hobby, baka mabigyan ko ng hustisya ang tinatago kong pagka-artistic (maliban sa pagging ma-art-e!). Krishna, alam ko susuportahan mo ko dito..


Nung mejo nakakatulog nako.. nbasa ko text ni kish.. itinext ang address nia exactly 4:17AM! anak ng kalabaw.. 'SAN KA NA NAMAN GALING?' at eto pa nagaya pa kung gusto kong sumama para naman wala akong pasok ng alas onse ng umaga.... my gowsh....


sige na pasok na ko...seatshort yata hehehehe

Thursday, September 17, 2009

bukang liwayway

Ending.


Kailan dapat tuldukan ang isang sentence? Kailan dapat tapusin ang isang salita? Kailan kailangang bumangon at muling tumayo?

Ang buhay ay parang isang mahabang inuman sessions. Doon, iinom ka.. magpapakasaya, iiyak, maaring magkaroon ka ng madaming kaibigan, maaring masira kayo. May mga bagay na isusuka ka, may mga bagay na pipilitin mong ilulon. Madaming mangyayari, may mga hindi mo inaasahan. Pero bukas pagkagising mo.. masakit ang lahat.. ulo mo, sikmura mo, atay mo, pati ang bulsa mo. Pero ang lahat ng iyan… nakukuha lang sa isang basong malamig na tubig, mainit na kape at mahabang tulog. Pagkatapos niyan tapos ang hang-over.

Pero ang buhay ay hindi ganun.. kapag nabigo ka, hindi ito parang hang-over na pwedeng palipasin nalang. Dahil ang tao ay pinanganak ng may puso at nakakaramdam.


Hemorrhage.


Kahit ilang beses ma-untog at magdugo ang ulo ng tao.. madalas hindi ito agad-agad natututo. Mauuntog, iiyak, iinom, mag-mmove-on.. pero for sure.. isang text lang yan.. siguradong maglo-load ka pa para makapag-reply. Mag-uumpisa ka na naman bigyan ng meaning ang smiley.. ang “muah”, ang “namiss kita”, ang “kumain ka na ba?”. I-ttextbrigade mo ang buong contacts mo para i-announce na nagtext siya ulet, na sweet siya ulet. At in the end… ganun na naman ulet.. din a natuto.


Wear my shoes.


“Wala ka kasi sa posisyon ko kaya kung makapagsalita ka akala mo alam mo na ang pinagdadaanan ko. “


Ito lang ang masasabi ko.. bakit ko pa kailangang danasin ang mga nadanas mo.. e umiyak ka na nga e.. gagayahin ko pa? ano ako tanga.. Sabi nga nila.. “intelligent persons learn from mistakes while wise persons learns from others mistake”. Masarap i-endure ang pain.. pero kung alam mo na na masasaktan ka? Bakit mo pa hahayaan ang sarili mo na mapunta doon. Kung magka-anak nga ng walang ama may paraan na… yun pa kayang pag-iwas sa sakit… lahat may paraan..kung gugustuhin.

Kaya pwede ba..wag mokong pa-andaran ng ganyan!


Emboli.


Kung nasasaktan ka man ngayon. Ikaw ang nagdala sa sarili mo sa posisyon na iyan. Hindi ako, o hindi siya. Dahil kahit pakitaan ka niya ng maganda.. kung alam mo kung saan ka naka-lugar.. hindi mo hahayaan na mahulog ka. Hindi mo hahayaan na magkumpol-kumpol.. mamuo at patayin ka ng simpleng bagay na iyan. Dati crush lang yan.. sigurado ako… pero inipon mo eh.. kaya ngaun.. Surgery na ang kailangan mo.


Aspiration..


Kung kaya lang sana talaga i-extract lahat ng sakit na nararamdaman ng tao.. malamang nag-master ako ng phlebotomy. Isang sakit lang naman ang tusok at alam ko na tolerable iyon. Kahit itusok at ibaon pa ng madiin.. kung maalis naman lahat lahat lahat… 450ml na ang idodonate ko.


Anesthesia….


Malamig na bangkay. Temperature below negative 70 degrees. Hindi makaramdam. Patay. Walang buhay. Pale. Manhid. Safest way para iligtas ang sarili. Pansamantala. Mahirap maging manhid, lalo kung gusto mo ng kumawala pero wala kang magawa dahil ubos na ubos ka na. Wala kang maibigay dahil ikaw mismo alam mong ubos ka na. Parang kandila na wala ng mailuha dahil pudpod na. Gusto mo man magsukli.. pero pagtingin mo sa vault ng pera mo.. Bankrupt ka pala.


Trampoline…


Magtago ka nito sa bahay niyo. Effective. Alam kong sold-out na ang pride sa market. Kaya kung hindi ka man makabili ng pride… atleast may trampoline ka. Para san? Malaglag ka man.. siguradong magbbounce back ka. Kaya kung sasabihin mo na hindi mo sinasadyang mahulog… kapag meron ka nito… babalik at babalik ka sa dati mong posisyon. Safe.


Morning Dew.


Kasabay ng pagsikat ng araw. Bukas magiging ok na ang lahat. Ang pagsikat ng araw ay nangangahulugang bagong pag-asa. Tumayo ka… Hindi ang mundo ang gagawa ng paraan para maging maayos ang buhay mo. Walang ibang tutulong sayo kung hindi ang sarili mo. Alam kong marami tayong kaibigan.. pero ang kaibigan ay pader lang na masasandalan. Hindi yan solusyon sa problema mo. Dahil ang solusyon ay ikaw lamang at wala ng iba. Kaya… Move! Now!

jugged

hindi lahat ng nasasayo ngaun..sayo na habang buhay.

people do come and go...ung iba, iiwan ka pa sa ere...


yung iba naman mawawala, babalik, mawawala paulit-ulit parang jeep, paikot-ikot.Kaya dapat habang umaagos, makisabay ka, gumulong ka, pag nakita mo na mag-isa ka nalang, huwag kang mag-alala, sigurado marami pa diyan.


sabi nga ng iba ang buhay parang bato..it's hard... pero narealize ko.. hindi mahirap ang buhay, tayo lang nagpapahirap at ang malilikot na utak. katulad ngayon, bakit ako nagpupuyat at nagsusulat ng mga ganito na walang kasiguruhan kung mey babasa. Babasahin ba niya? Babasahin mo ba?


sabi nga ni friend, para daw akong bata, gusto ko ng lobo at ng ice cream ng sabay. Ngayon na lumipad na ang lobo ko, iyak ako ng iyak samantalang may ice cream pa naman ako, na unting unting nalulusaw dahil hindi ko pinapansin.


People do come and go, and i have no control to make them stay. Kung pwede sana gamitin ang 10% Formaldehyde para i-preserve ang friendship, aba..e baka nagtimpla nako ng marami para maipreserve ko lahat. Pero hindi pwede, so I have to accept na ganto talaga ang buhay.. hindi din naman Unfair, its just a matter of acceptance. So tanggapin nalang. kung may darating, welcome, kung wala.. ganoon talaga! o tama na...bakit juggled? nagulo e...kaninu na ba ang kay juan, kay pedro na.. ay baka kay jose.. oo.. sayo na..hindi na saken.. -out na ko-bye.

Wednesday, September 16, 2009

I HATE MATH!!!!!!!!!!!

Ang hirap ng math, kahit sampu lang ang numero na na-discover sa mundo at apat lang naman ang signs na naitala. Bakit nga ba mahirap ang Math...?

Mahirap ang math dahil ang 1 + 1 = 2. 2 lang ang sagot, hindi pwedeng 3, hindi pwedeng 4.

Hindi katulad ng language, pagtinanung ka kung bakit ka masaya, maraming pwedeng sagot.Ang tama sayo, pwedeng mali saken at ang mali sayo, pwedeng tama saken.

Mahirap ang math, pero mas ok siya. Right is right, wrong is wrong.

Sana, katulad ng math, ganun din ang utak. Kapag mali, tumigil. Kapag tama, go.

Sana hindi ka nasasaktan pagsinubukan mo mag-trial and error. Sino ba kasi nag-embento ng emotion?para walang umiiyak...

Tama na nga..nadala lang ako sa heart2heart girl talk namen.*peace*..

Matutulog nako!

Tuesday, September 15, 2009

Unlearning the Habits


Love is just a habit....

Habit of waking up each morning and thinking of him, texting him 24/7, going out with him once in a while, laughing your heart out everytime he cracks a joke(maybe not a really good joke but still you laugh like there's no tomorrow) and dreaming of endless plans for summer or for the future... It's just a simple habit but the hardest to break.

After you finally realize that everything is gone.. You will feel lost.. soo many questions will kill you.

What now? How now? Am i alright? and a lot more...

As much as you want to feel nothing... you will feel heart aches literally and figuratively involuntarily..It's something you can't control.

Now.. you will wake up thinking that he's gone, no text messages, no dates, no more dreams no more everything.... and then you'll find yourself wishing it to come back..but it will not!

Adjustment period sucks.. It's like stopping what you have been doing for so long...

But like a bad habit, no matter how addictive it is, you just have to minimize it till you totally remove it in your system.

"You just have to pretend your OK.. till it feels OK.."

Cry now.. Cry hard.. but after a while.. Stand up and get going...

(TO BE CONTINUED...)