Ending.
Kailan dapat tuldukan ang isang sentence? Kailan dapat tapusin ang isang salita? Kailan kailangang bumangon at muling tumayo?
Ang buhay ay parang isang mahabang inuman sessions.
Pero ang buhay ay hindi ganun.. kapag nabigo ka, hindi ito parang hang-over na pwedeng palipasin nalang. Dahil ang tao ay pinanganak ng may puso at nakakaramdam.
Hemorrhage.
Kahit ilang beses ma-untog at magdugo ang ulo ng tao.. madalas hindi ito agad-agad natututo. Mauuntog, iiyak, iinom, mag-mmove-on.. pero for sure.. isang text lang yan.. siguradong maglo-load ka pa para makapag-reply. Mag-uumpisa ka na naman bigyan ng meaning ang smiley.. ang “muah”, ang “namiss kita”, ang “kumain ka na ba?”. I-ttextbrigade mo ang buong contacts mo para i-announce na nagtext siya ulet, na sweet siya ulet. At in the end… ganun na naman ulet.. din a natuto.
Wear my shoes.
“Wala ka kasi sa posisyon ko kaya kung makapagsalita ka akala mo alam mo na ang pinagdadaanan ko. “
Ito lang ang masasabi ko.. bakit ko pa kailangang danasin ang mga nadanas mo.. e umiyak ka na nga e.. gagayahin ko pa? ano ako tanga.. Sabi nga nila.. “intelligent persons learn from mistakes while wise persons learns from others mistake”. Masarap i-endure ang pain.. pero kung alam mo na na masasaktan ka? Bakit mo pa hahayaan ang sarili mo na mapunta doon. Kung magka-anak nga ng walang ama may paraan na… yun pa kayang pag-iwas sa sakit… lahat may paraan..kung gugustuhin.
Kaya pwede ba..wag mokong pa-andaran ng ganyan!
Kung nasasaktan ka man ngayon. Ikaw ang nagdala sa sarili mo sa posisyon na iyan. Hindi ako, o hindi siya. Dahil kahit pakitaan ka niya ng maganda.. kung alam mo kung saan ka naka-lugar.. hindi mo hahayaan na mahulog ka. Hindi mo hahayaan na magkumpol-kumpol.. mamuo at patayin ka ng simpleng bagay na iyan. Dati crush lang yan.. sigurado ako… pero inipon mo eh.. kaya ngaun.. Surgery na ang kailangan mo.
Aspiration..
Kung kaya lang
Anesthesia….
Malamig na bangkay. Temperature below negative 70 degrees. Hindi makaramdam. Patay. Walang buhay. Pale. Manhid. Safest way para iligtas ang sarili. Pansamantala. Mahirap maging manhid, lalo kung gusto mo ng kumawala pero wala kang magawa dahil ubos na ubos ka na. Wala kang maibigay dahil ikaw mismo alam mong ubos ka na. Parang kandila na wala ng mailuha dahil pudpod na. Gusto mo man magsukli.. pero pagtingin mo sa vault ng pera mo.. Bankrupt ka pala.
Trampoline…
Magtago ka nito sa bahay niyo. Effective. Alam kong sold-out na ang pride sa market. Kaya kung hindi ka man makabili ng pride… atleast may trampoline ka.
Morning Dew.
Kasabay ng pagsikat ng araw. Bukas magiging ok na ang lahat. Ang pagsikat ng araw ay nangangahulugang bagong pag-asa. Tumayo ka… Hindi ang mundo ang gagawa ng paraan para maging maayos ang buhay mo. Walang ibang tutulong sayo kung hindi ang sarili mo. Alam kong marami tayong kaibigan.. pero ang kaibigan ay pader lang na masasandalan. Hindi yan solusyon sa problema mo. Dahil ang solusyon ay ikaw lamang at wala ng iba. Kaya… Move! Now!


No comments:
Post a Comment
what other people can say.........