Wednesday, November 11, 2009

Fr.tel: "Ayoko ng tumawid sa WALANG TAWIRAN!"


Nung bago ako sa MAYNILA, nagtataka ako bakit napakadaming PED XING sa Kalsada.. akala ko nun para itong Espana Ave or Quezon Ave na napakahabang Avenue.


"Sh*t..ang promdi ko!!" yan lang yung nasabi ko nung narealize ko na pedestrian crossing pala ang meaning ng PED XING.. bakit pa kasi kelangan ishort cut.. hmmmm...


----


Simula ng naging MMDA chairman si Bayani Fernando at nabalutan ng mga hot pink pintura ang buong Kamaynilaan.. napakadaming signboard na WALANG TAWIRAN NAKAMAMATAY..


pero..madami pa ding Tumatawid? bakit?


TANGA BA?


----


Ako? katulad ni tel.. tumawid din sa WALANG TAWIRAN..


mahirap.


nakakatakot.


pero challenging.


at ang sarap ng pakiramdam pag nakatawid.


pero isang mali.. patay.


at wala kang pwedeng sisihin..dahil mey signboard!


hindi ka ba marunong magbasa?


----


Ngaun? ala na ko balak tumawid sa WALANG TAWIRAN..


sa mey pedestrian line na.. para may BENTE na pangkape kapag nasagasaan.


----


Masaya na ako dapat ngayon. Ang haba nga ng hair ko e.. natatapakan na.. pero takot na akong tumawid talaga. Hindi ko alam bakit.

3 comments:

  1. eeiii ras!! add ko ung blog u sa blog list ko sa http://attractlifeyouwant.tk :)

    ReplyDelete
  2. @ann di ako marunong pano..hehehe
    @korki hahaha lika tawid tayo

    ReplyDelete

what other people can say.........