Thursday, October 22, 2009

si pogi at ang mga pangarap

Pangarap ko talagang maging manunulat, pero hindi ng mga makabuluhang nobela o anuman. Gusto ko lang sumulat ng simpleng libro, story book na pambata ganun. Simple pero may dating, ganun ang gusto ko. Pangarap ko rin na gumawa ng pelikula, oha! Ok lang naman mangarap diba. Mangangarap ka na nga lang, taasan mo na. Matagal tagal ko na ring nakalimutan ang pangarap na to, simula ng grumaduate ako sa kolehiyo. Naalala ko siya paminsan minsan pero iba pa rin yung may kasama kang nangangarap.


Balik sa kolehiyo:
May naging kakilala ako na itago nalang natin sa pangalang "pogi" dahil yun ang gusto niyang tawag sa kanya, Pano ko nakilala si pogi? Matalik na kaibigan siya ng kaklase ko nung first year, one year ahead siya sa akin. Ayun nagpakilalanlan, nagkasundo naman kami, lumipas ang mga araw at naging kaclose ko siya ang galing diba at dun na nagsimula ang pangarap namin...


Mahilig kaming magusap ng kahit ano, kahit makabuluhan o hindi. Natatawa kami sa mga simpleng bagay. Madalas kaming magdudugtungan ng mga kwento, minsan kami lang minsan kasama ang ibang kaibigan. Madalas din kaming sumulat ng kanta na tungkol sa mga biglaang pangyayari sa harap namin, tapos yung tono basta lang. Naguusap din kami ng mga pangarap namin sa telepono. Gusto naming mabasa ni Neil Gaiman at Paolo Coelho ang mga gagawin naming libro, tatalunin namin ang Little Prince at si Edgar Allan Poe. Ganyan lang kasimple ang mga pangarap namin. Pero simula nung nagstop siya magaral, di na kami nakakapagbonding.


Ngayon may trabaho na siya at bigtime na, ako may trabaho din pero di ako bigtime. Ngayong araw na to, tinawagan niya ako, after ilang taon na di paguusap. Naaliw ako at buhay pa siya, ganun padin siya, magulo, masaya. Marami siyang masasayang kwento. Nagusap ulit kami tungkol sa pagsusulat ng kwento, kinumbinsi niya akong magsulat ulit kami. Pero pano? hindi ko alam pero ang alam ko nabuhay na nanaman ang pangarap ko.


Salamat sayo pogi, sa pagiinspire sa akin, balang araw sisikat din tayo, matatapos din natin lahat ng kwentong sinimulan natin.


2 comments:

what other people can say.........