Showing posts with label parang tatanggap lang ng award..hahahahaha..kamukha ko pa din si bea alonzo..wehehehe. Show all posts
Showing posts with label parang tatanggap lang ng award..hahahahaha..kamukha ko pa din si bea alonzo..wehehehe. Show all posts

Tuesday, July 28, 2009

dear anne curtis....


kahit na buwisit na buwisit ako sa'yo noong love-team pa kayo ni chubi del rosario at noong pangit at mukhang sinadya ang tagalog mong may maarteng aussie accent, natutuwa ako na nagka-award ka. sa 10 or 11 years mo sa showbiz, ngayon e di ka na artista lang na basta-basta. sa totoo lang, di ko pa napapanood ang baler di naman kasi ako natutuwa dahil marunong ka nang um-acting. natutuwa lang ako dahil pagkatapos kang mawalan ng kapatid at iwan ni sam milby e mahaba na naman ang buhok mo. tinalbugan mo na si bea alonzo at naloloka ang mga fans mo. kahit ako, naloka. gusto na nga kitang sabunutan sa haba ng hair mo kaso masyadong makintab dahil sa head n shoulders. shet. nangangarap na tuloy akong manalo sa raffle ng 1 milyon o kaya brand new, makinang, at kumikintab na car. ang galing -galing ng tadhana.

sana gumaling pa ang pagtatagalog mo para yung mga serious roles mo e di lang pa-english-english parati kagaya ng sa maging sino ka man. sana rin e balikan ka na ni sam milby para mas lalong mahaba ang hair mo at kinikilig-kilig ka naman. at sabi nga nung sa nabasa ko na sabi niya e kagaya raw sa tipikal na showbiz: MORE POWER TO YOU!



*salamat pala sa youtube at napanood ko ang acceptance speech mo..mabuhay ka pinay!

--------------------------------------------------------------

Showbiz update (how Sam Milby made my monday...salamat ulet sa youtube dahel napanood ko ang a million years ago na episode ng the buzz):
Tanong ni Boy Abunda: May balak ka bang balikan si Anne Curtis?
Papa Sam: I do. I do.
Aaaaaaack! Sabi ko sa inyo e. Tagumpay talaga ng love life ko ang tagumpay nila. Oh well, wish ko lang di yun fabricated....