malakas ang ulan at nakakatamad lumabas. pero walang nakapigil sa'kin pumunta ng mall. naisipan ko kasi bumili ng sapatos.
at ang sapatos, nadagdagan ng bagong kamisetang damit, Mac na make-up, at kung anik-anik. bitin sa totoo lang pero masayang masaya ako. at sa sobrang saya ko, biglang sumagi sa isip ko na nagiging materyosa na ako.
simula ng nagkatrabaho ako lahat ng bagay nagkakaroon ng added value. kapag tinatamad akong maglakad o kaya nagmamadali - taxi (matagal kasi mag-antay ng bus...lalo na ng mrt!). dagdag na bayad lang para makabili ng ginhawa at oras. kapag walang mapuntahan kapag may hinihintay - coffee shop. dagdag na bayad lang para makabili ng espasyong malamig at mauupuan na "disente". kapag na-tamad magluto paguwi sa umaga at di na makapag-almusal sa bahay - mcbreakfast. dagdag na gastos lang para makabili ng kaunting tulog. nalungkot ako kasi di ako pinayagan sumama sa camping trip kaya "kinailangan" ko bumili ng sapatos. dagdag na gastos lang, masaya na naman ako.
lahat na lang biglang nagkaroon ng bayad. parating may kapalit, parating may susukatin.
buti na lang may free Mocha latte sa McDonalds twing Lunes...
Buti na lang may free breakfast ang Starbucks ebridei...un nga lang, kelangan mo suungin ang pila...
Nilulubos ko lang ang mga araw ko...kapag wala na trabaho, malamang mas kuripot pa ako ke ..(hehe, peace!!)
pero promise ko sa sarili ko, mag-iipon ako para sa mega-bling bling headband ni anne curtis.


nagbibilang n ba tayo ng araw sa cvg heheheh hai see you around ... miko i mean rass :P
ReplyDeletemiko ka jan x(.....wehehehe bibilang ng araw...hmmm buwan naman bilangin natin wehehehe di pa naman tayo apektado ng p.i.p kaya ok pa....kakainis tong happy feet im not so happy naman...wahhhh
ReplyDelete